^

Bansa

Endorso ng INC, game changer - political analyst

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala ang isang political analyst na malaki ang ‘impact’ sa  resulta ng eleksiyon ang naging pag-endorso ng maimpluwensiyang Iglesia ni Cristo (INC), na ang ibig sabihin ay malaking tsansa sa kanilang ‘minamanok’.

Sinabi ni UP Prof. Prospero de Vera, malaking ka­ragdagan ang endorsement ng INC sa boto para sa mga kandidato ng local at national.

Sa naging pag-aaral umano, nasa 80 porsyento ang sinasabing conversion rate ng pag-endorso ng INC. Ito aniya ay nangangahulugan na 2 milyon voting members ng INC ang sumusunod sa iniendorso ng kanilang simbahan. Malinaw aniya na makukuha na ng kanilang inendorso ang karagdagang 1.6 milyon sa boto para sa national candidates.

Dapat rin aniya na irespeto ang naging desisyon ng pamunuan ng INC dahil pagpapakita ito ng kanilang tunay na pagkakaisa.

Sinabi pa ni de Vera na maituturing na game changer ang INC, lalo na sa labanan sa local level, kung saan maliit o kakaunting boto ang pinaglalabanan kumpara sa national level at maituturing na ‘literal’ na mahalaga ang bawat boto.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with