Duterte campaign suportado ng 8 mining firms - Erice
MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Caloocan City Rep. Edgar Erice, na tumatanggap din ng tulong pinansiyal mula sa walong mining companies na nagmimina sa Mindanao si PDP-Laban presidential bet Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon kay Erice, panay ang atake ni Duterte sa kalaban nitong si Mar Roxas dahil sa umano’y tumatanggap ito ng pera mula sa mining companies subalit gayundin naman pala ito.
Giit ng kongresista, dapat na maging tapat si Duterte sa paghahayag sa publiko na nakikipag-deal ito sa mga negosyante ng mining firms na nag-ooperate sa Mindanao.
Puna pa ni Erice, tagapagsalita ng Liberal Party (LP), na laging pinagyayabang ni Duterte na hindi siya nakakatanggap ng financial contributions mula sa malalaking negosyante upang maiwasan na mahawakan siya sa leeg sa sandaling manalo itong president.
Bukod dito, naglunsad pa umano si Duterte sa pamamagitan ng media ng mga paninira laban kay Roxas dahil sa umano’y pagtanggap nito ng material at financial support mula sa San Roque Metals Inc. na engaged sa nickel mining sa bahagi ng Mindanao.
Subalit base umano sa nakuhang impormasyon ng kampo nila Erice, na ang mga mining firm din ang tumutulong kay Duterte para sa media campaign nito.
- Latest