^

Bansa

Bongbong arangkada sa 2 survey

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na maawat ang pag-arangkada ng kandidatura ni Sen. Bongbong Marcos sa Vice Presidential race nang ungusan nito ang kanyang mga katunggali sa dalawang magkahiwalay na survey kamakailan. 

Sa survey na kinomisyon ng Manila Broadcasting Company (MBC)-DZRH noong April 2, 2016, nakakuha si Marcos ng 29.8 porsyento para sa unang pwesto mula sa pinakamalapit na katunggali nitong si Sen. Chiz Escudero na nakakuha ng 22.6 porsyento. 

Pangatlo si Sen. Alan Peter Cayetano,18.4 por­s­yento; Camarines Cong. Leni Robredo, 17.8%; Antonio Trillanes, 5.5% at Gregorio Honasan, 4.3 porsyento. 1.6 porsyento ang undecided. Ginamit ng survey ang face-to-face interview sa 7,490 respondents na nakuha sa mga piniling barangay sa iba’t ibang probinsya sa buong bansa gamit at lakas ng pinakamalaking radio network sa Asya. 

Nakuha rin ni Marcos ang unang pwesto sa pinakahuling resulta ng Pulso ng Pilipino survey na isinagawa noong Marso 16-22, 2016 ng Issues and Advocacy Center sa 27 porsyentong boto, mas mataas ng tatlong puntos sa pumangalawang si Escudero na may 24 porsyento. Batay sa resulta ng nasabing survey, nakakuha si Robredo ng 21 porsyento, Cayetano (14%), Trillanes (7%) at Honasan (5%). Nangibabaw din si Marcos sa A/B social classes sa napitas na 27 puntos habang 24, 23 at 24 percentage points sa class C, D at E, ayon sa pagkakasunod.

“Pinapakita ng survey na ang mga batang botante o millennials ay pinipili si Marcos na ang kampanya ay nakasentro sa pagkakaisa at progreso,” pahayag ni Ed Malay, director ng IAC.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with