Comelec hacker pwedeng kunin ng gobyerno
MANILA, Philippines – Tinawag kahapon ng isang opisyal ng Malacañang na isang magandang ideya kung kukunin ng gobyerno ang serbisyo ng nag-hack sa website ng Commission on Elections at nagpatunay na maaaring mapasok ang website ng komisyon.
Ayon kay Usec. Manuel Quezon III, dapat tingnan ng Information and Communications Technology Office at Department of Science and Technology ang posibilidad na i-hire ang nahuling hacker na kinilalang si Paul Beting na isang IT graduate.
Inihalimbawa pa ni Quezon ang isang pelikula ni Leonardo DiCarpio na isang ‘forger’ kung saan kinuha ang serbisyo niya ng FBI upang mahuli ang iba pang mga forgers.
“Ano ‘yung movie na ‘yun when there was a forger nga who was later on hired to catch other forgers. Tandaan mo ‘yun with Leo DiCaprio…Anyway, there’s a movie like that and that’s a very valuable suggestion,” ani Quezon na ang tinutukoy ay ang pelikulang Catch Me if You Can.
Idinagdag ni Quezon na maari namang gamitin ang talino ng isang tao upang makatulong sa seguridad.
“I hope, it will be taken notice of by our authorities because it’s a very clever way to make use of the knowledge of people to help improve our security,” ani Quezon.
- Latest