^

Bansa

Programa para sa mga anak ng OFWs, inilunsad ng Villar SIPAG

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pangungunahan ni Sen. Cynthia Villar ang paglulunsad ng summer workshop, isang programang naglalayong tugunan ang mga hamong kinakaharap ng mga anak ng OFWs. 

Sa pakikipag-ugnayan sa Beam & Go at Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (ECMI), itataguyod ng Villar SIPAG (Social Institute for Po­verty Alleviation and Governance) ang kauna-unahang workshop na tinatawag na “Isang Seminar sa Pangkabuuang Kabutihan ng mga Anak OFW” sa Laurel House, Mandaluyong City kahapon April 23.

May 100 anak ng OFWs ang lumahok sa isang araw na summer workshop na kinabibilangan ng talakayan tungkol sa  kanilang “perks at challenges,” ang pag-iipon ng pera, at kanilang proteksyon laban sa cybercrime.

Pagtutuunan ng pansin sa seminar ang pagbibigay sa mga anak OFWs ng tips tungkol sa magandang pamumuhay, wastong nutrisyon, spiritual at psychological growth.

TIniyak ni Villar na magiging masaya at kapaki-pakinabang ang workshop para sa mga anak ng OFW na mabibigyan ng pagkakataong makisalamuha sa iba pang anak ng OFWs. Mabibigyan din sila sa workshop ng “special learning” din upang mas maging matalino, responsable at independent sa kabila na wala sa bansa ang kanilang mga magulang.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with