^

Bansa

SWS survey kay Malapitan pinabulaanan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw ng Social Weather Station (SWS) na wala silang ipinalalabas na anumang local survey sa Caloocan dahil mas konsentrasyon nito ang nalalapit na pambansang halalan. 

Tugon ito sa pinalabas kamakailan ng kampo ni Caloocan Mayor Oscar “Oca” Malapitan na tatalunin niya base sa SWS survey si Congressman Enrico “Recom” Echiverri, na hindi pa nito natatalo sa halalan.

Ayon sa grupong Progresibong Kabataan ng Caloocan, “mukhang desperado na si Mayor Malapitan dahil nakikita na nila na galit ang taongbayan sa kaniyang tatlong taong palpak na panunungkulan”.

Muli kasing nilinaw ni SWS fellow and director for data processing and sampling Gerardo Sandoval, ang lahat ng survey na kanilang isinagawa ay nasa kanilang official website www.sws.org.ph.

Napag-alaman sa ginawang pagbusisi na walang lumitaw na survey kung sino ang iboboto ng mga taga-Caloocan kung gagawin ngayon ang halalan kaya malinaw na ‘bogus’ ang sinasabing ulat ng SWS na si Malapitan ang lamang ng malaking porsiyento.

“If it is not in SWS website, then we cannot comment on it,” sabi ni Sandoval ng SWS nang hingan ng reaksiyon kaugnay ng survey.

Sinabi naman ni Maralitang Tagalungsod ng Kalookan (MaTaKa) chairman Almer Cruz, mahirap paniwalaan ang bogus SWS survey dahil walang pagkukunan ng boto si Malapitan lalo sa mga barangay na nasa Pangarap Village at Bagong Silang na napakaraming informal settlers.

Lumabas din kasi sa isang local na survey sa 20 malala­king barangay sa lungsod na pangunahing dahilan kung bakit nila ibabalik si Recom ay dahil gusto nilang matigil ang talamak na bentahan ng ilegal na droga sa siyudad, walang habas na nakawan, rape at patayan na kalimitan pang nangyayari malapit sa mga paaralan na kung saan hindi ito nangyari noong panahon ng Echiverri administration.

“Mas kapani-paniwala siguro ang survey ng STORM commandos na lumalabas na 60% ang boboto para kay Cong. Recom, 30% kay Malapitan at paghahatian ng iba ang 10%,” diin ni Cruz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with