^

Bansa

Photo Competition sa 2016 Aliwan Fiesta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglunsad muli ang Manila Broadcasting Company ng isang photo competition kaugnay ng pagtatanghal ng Aliwan Fiesta grand parade sa ika-16 ng Abril.

Maaaring gumamit ng digi­tal o film-based na kamera. Ilagay sa 8R size ang mga lahok na de-kolor, na may kasamang high resolution jpg file sa CD. Dapat kuha ang litrato sa araw ng parada, na magsisimula sa Quirino Grandstand patungong Aliw Theater kung saan ito magtatapos. Hindi pa dapat nagwagi sa ibang kumpetisyon, ni lumabas sa anumang babasahin ang letratong ilalahok. Lakipan ng dalawang kopya ng entry form na maaaring ma-download mula sa website at official facebook page ng Aliwan Fiesta. Dalhin sa tanggapan ng MBC bago mag alas-tres ng hapon sa ika-29 ng Abril.

 P50,000 ang nakalaan sa magwawagi sa Digital/fil-based category, P25,000 sa ikalawang puwesto, at P10,000 sa third prize, kasama ng mga produkto ng Manfrotto. Ang magwawaging mga litrato ay magiging pag-aari ng MBC, samantalang isasauli naman ang hindi papalaring lahok. Ang Aliwan Fiesta ay handog ng MBC, Star City, Cultural Center of the Philippines, at mga lungsod ng Maynila at Pasay, sa pakikipagtulungan ng Globe Telecom, Pride Detergent, Unique Tootpaste, Tanduay, Shield Bathsoap, Coca Cola, Columbia Candies, Cherry Mobile, Fukuda, AICS, GES, Led lights, Robinsons Ermita, at Bayview Park Hotel.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with