^

Bansa

Jinggoy humirit na makalabas sa kulungan

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng kampo ni detained Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang makalabas ng PNP detention facility sa Camp Crame upang makadalo sa ika-86 kaarawan ng kanyang ina na si dating Senador Dr. Loi Ejercito.

Base sa mosyon, humirit si Estrada sa anti-graft court ng furlough o apat na oras na pass sa June 4, mula 8 ng gabi hanggang 12 ng hating-gabi.

Nakasaad pa sa mosyon ni Estrada na nais niyang makadalo sa thanks giving mass at dinner sa kaarawan ng kanyang nanay, na gaganapin sa 409 Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Paliwanag ni Estrada, tuwing birthday ng kanyang ina ay magkakasama silang buong pamilya, maliban noong nakalipas na taon dahil hindi siya pinayagan ng korte na makalabas ng pasilidad.

Umaasa naman si Estrada na pagbibigyan siya ng Sandiganbayan for humanitarian reason.

Inatasan na ng korte ang prosekusyon na magsumite ng komento tungkol sa mosyon ni Estrada.

Nauna nang humiling si Estrada sa Sandiganbayan 5th Division na payagan siyang makadalo sa mga huling sesyon ng Senado, at para i-monitor ang pag-aaayos at pag-alsa balutan ng kanyang mga personal na gamit mula sa Senate office niya.

Magtatapos ang termino ni Estrada bilang Senador sa Hunyo 30, 2016 na nahaharap sa kasong plunder dahil sa pork barrel scam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with