^

Bansa

‘Casino king’ pinapasama sa $81-M laundering probe

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan sa Senate Blue Ribbon Committee ng tatlong malalaking labor groups si Manila 5th District Rep. Amado Bagatsing sa kahiya-hiyang $81-milyong RCBC money-laundering scandal dahil sa pag-lobby umano niya noon na ma-exempt ang mga operasyon ng casino sa pagmamatiyag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Ayon sa Federation of Free Workers (FFW), Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at Association of Labor Unions (ALU), si Bagatsing pa ang chairman ng House Committe on Games and Amusement, na umano’y naglaban at naging matagumpay  upang maalis sa coverage ng amended Anti-Money Laundering law ang mga transaksyong pang-pinansyal ng mga casino sa bansa.

Ang ginawa ni Bagatsing ayon sa mga labor federations, ay nagbunga ng matinding implikasyon sa bansa, lalo na sa mga OFW na maaaring mahirapang magpadala ng kanilang mga remittances sa kanilang mga pamilya dahil sa posibleng paghihigpit ng mga financial institutions bunga ng RCBC scandal.

Sinabi ni FFW president Jose Sonny Matula,  ang imbestigasyon ng senado ay makatutulong ng malaki sa kapakanan ng libu-libong OFWs. Malaki aniya ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa kapag labis na maapektuhan ang pagpapapadala ng mga OFWs.

Sinang-ayunan rin ito ni TUCP spokesman Alan Tanjusay, na advocacy officer ng ALU, sa pagsasabing dapat na tingnan ng Senado kung bakit mas gusto pang pakialaman ng Anti-Money Laundering law ang mga bank accounts ng may 8 milyong OFWs at hindi ang mga milyung-milyong pisong bank accounts ng mga casinos pati na rin ang mga “high rollers” at mga mayayamang nagka-casino. Ayon pa kay Tanjusay, dapat ipaliwanag ni Bagatsing ang kanyang naging papel sa pag-e-exempt ng mga casino sa anti-money laundering law. 

Dahil sa pagpoprotekta niya sa mga casino at hindi pag-aksyon sa mga illegal at kwestiyunableng aktibidades ng mga casino ay tinawag ng ilang Tabloid columnists si Bagatsing na “Casino King.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with