^

Bansa

Kampanya ng local bets simula na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang nagsimula kahapon ang pangangampanya ng mga lokal na kandidato para sa 2016 elections.

Ayon sa Comelec, may 45 araw na campaign period ang mga tatakbo bilang kinatawan ng House of Representatives at mga kandidato sa elective provincial, city at municipal posts, subalit hindi ito nasimulan kaagad sa nakatakdang petsa o Marso 25 dahil pumatak ito sa Good Friday.

Sinabi ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, hindi pinapayagan sa ilalim ng Republic Act no. 7166 ang panga­ngampanya ng mga kandidato sa Huwebes Santo (Marso 24) at Biyernes Santo (Marso 25) bilang paggalang sa Mahal na Araw kaya ang Marso 26 ang naging opisyal na  pagsisimula at magtatapos naman sa Mayo 7, dalawang araw bago ang eleksiyon.

Nasa talaan ng Co­melec na umaabot sa 44,694 ang magtutunggali sa local posts na nasa 18,067 lamang.

Base sa ipinapatupad na patakaran at alituntunin ng Comelec, P3 lamang ang pwedeng gastusin ng kahit sino mang lokal na kandidato na tumatakbo sa ilalim ng isang partido sa bawat botante.

Samantala para naman sa mga lokal na kandidato na tumatakbo bilang independent ay maari silang gumastos hanggang sa P5.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng Comelec ang paglalagay ng mga campaign materials tulad na lamang ng mga tarpaulins at posters sa mga puno, halaman, poste ng ilaw, sidewalks at mga overpass.

Dapat aniyang maging maingat ang mga kandidato upang hindi nila malabag ang batas.

Kabilang sa ipinagbabawal ng batas ang:  “..release, disbursement or expenditures of public funds, construction of public works, delivery of materials for public works and issuance of treasury warrant or similar devises for a future undertaking chargeable against public funds, and the appointment or hiring of new employees, creation or filling up of new positions, promotion or giving of salary increases, remuneration or privilege are banned from March 25 to May 8, 2016.”

Sinumang kandidato na mapapatunayang guilty sa mga paglabag ay mabibilanggo ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi naman lalagpas sa 6 na taon. Hindi sila saklaw sa ibinibigay na probation at mapapatawan pa ng disqualification na humawak ng posisyon sa anumang tanggapan ng gobyerno at aalisan na rin ng karapatang makaboto. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with