^

Bansa

P7B unliquidated funds ng DILG dapat i-itemized

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinagurian kahapon ng National Association of Lawyers for Justice and Peace (NALJP) na hindi sapat ang depensa ng spokesman ng Liberal Party (LP) na hindi na responsibilidad ng kanilang presidential bet na si Mar Roxas na ipaliwanag kung saan napunta ang P7-bilyong pondo na hinawakan nito noong termino nito bilang Department of Interior and Local Government (DILG) secretary.

Nauna nang inihayag ni LP campaign spokesman at Akbayan Rep. Barry Gutierrez na ang P7 bilyon ay naibigay na sa mga local governments units bilang tulong-pinansiyal sa iba’t-ibang proyekto tulad ng mga pangangailangan ng mga biktima ng Bohol Earthquake at ni supertyphoon ‘Yolanda,’  kaya’t mga LGU na ang dapat magpaliwanag.

Subalit ayon kay NALJP founding chairman Atty. Jesus Santos, si Roxas ang pinagmulan ng P7 bilyon kaya’t siya ang dapat maunang magpaliwanag kung saan napunta ito.

Binigyang-diin ni Santos na dapat maglabas ng de­talyadong listahan si Roxas kung anu-anong LGUs ang nakinabang sa P7 bilyon, kailan at sino ang tumanggap ng pera at magkano ang natanggap ng bawat isa.

Pinuna rin ni Santos na dapat ding liwanagin ni Roxas kung anu-ano ang mga proyektong dineklara ng mga nakinabang, saan dapat matatagpuan ang mga ito at anu-ano ang mga isinumiteng dokumento bilang ebidensiya na mayroon talagang kapupuntahang gawain ang pondo.

Sa laki ng halagang pinag-uusapan at sa magiging epekto ng usapin sa taumbayan, binigyang-diin ni Santos na hindi sasapat ang salita lamang ninuman sa kampo ni Roxas na walang nangyari o nangyayaring labag sa batas sa paghawak at paglalabas ng P7 bilyong pondo.

“Para patas ang laban at walang mapupulaan ng walang dahilan, mas makabubuti kay Mr. Roxas na liwanagin na ang usaping ito sa lalong madaling panahon,” dagdag ni Santos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with