^

Bansa

Allowance ng mga sundalo ‘wag ng buwisan - Nograles

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ni Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na huwag ng patawan ng buwis ang provisional allowance na ibinigay ni Pangulong Aquino sa mga sundalo kasabay ng umento sa kanilang hazard pay.

Sinabi ni Nograles, chairman ng House Labor Committee na nasa posisyon ang BIR para desisyunan ang bagay na ito dahil provisional o pansamantala pa lamang naman ang allowance na ibinigay sa mga sundalo habang tinatrabaho pa ang reporma sa kanilang mga pension.

Sa kabila nito aminado naman ang kongresista na gray area pa ang usapin kung dapat na buwisan ang provisional allowance ng mga sundalo o hindi na.

Ito ay dahil wala ito sa listahan ng benepisyo ng mga sundalo na exempted sa buwis na salig naman sa Republic Act 9040.

Naniniwala din si Nograles na maaaring magkusa dito ang BIR bilang pagpapakita na lamang ng pasasalamat ng pamahalaan sa mga sundalo para sa kanilang mga sakripisyo.

Paliwanag pa nito hindi naman umano ikalulugi ng malaki ng gobyerno kung hindi na buwisan ang provisional allowance ng mga ito subalit malaking bagay na madagdagan ang maiuuwing kita ng mga sundalo sa kanilang pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with