^

Bansa

Walang Pinoy sa Taiwan quake

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala umanong Pilipino na naiulat na nadamay sa nangyaring paglindol sa Taiwan, kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni DFA spokesman Charles Jose, nagsasagawa na ngayon nang pagberipika ang Manila Economic Cultural Office (MECO) sa kalagayan ng mga Pinoy sa Taiwan. 

Sa data ng DFA, tinatayang nasa 120,000 ang mga OFW na nakabase sa Taiwan na ang karamihan ay nasa construction sector, mga factories at sa household services.

Sa ngayon patuloy pa ang rescue operation sa mga na-trap sa ilang gumuhong gusali matapos ang magnitude 6.4 na lindol sa lungsod ng Tainan sa Taiwan.

Isa sa mga nag-collapse na gusali ay ang pitong palapag na apartment building kung saan mahigit 30 na ang na-rescue.

Pero sa ngayon wala pang napapaulat na nasawi dahil sa lindol.

Batay sa U.S. Geological Survey, naitala ang sentro ng lindol sa 43 kilometro southeast ng lungsod ng Tainan kung saan halos 2 mil­yon ang populasyon.

Ito ay may lalim na 10 kilometro bagama’t walang banta ng tsunami ayon sa Pacific Tsunami Warning Center.

Nagdulot naman ng panic sa mga residente ng Tainan City ang nasabing lindol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with