Terror alert vs Iranian Revolutionary Guards
MANILA, Philippines – Inalerto ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang buong puwersa nito sa ulat na posibleng pag-atake sa South East Asia kabilang ang Pilipinas ng “Iranian Revolutionary Guards” partikular ang pangha-hijack o pambobomba sa pampasaherong eroplano ng Saudi Arabia.
Sa memorandum na ipinadala ng NCRPO sa limang distrito sa Metro Manila kabilang ang Northern Police District, nasa advance stage na ng implementasyon na i-hijack ang isang eroplano ng Saudi Arabian Airline fleet at ipatutupad ng 10 katao kabilang ang anim na Yemeni nationals.
“This pertains to the information that the Iranian Revolutionary Guards are allegedly initiating and supervising the hijacking/bombing of a plane of Saudi Arabian Airlines fleet,” ayon sa memorandum na pirmado ni Sr. Supt. Manuel Lukban.
Kabilang sa mga nakilala na personalidad na kasama umano sa planong pag-atake sina Mohammad Ibrahim Al-Muayyad, Ahmad Hassan Al-auf Bahbah, Ahmad Bin Abdullah Aljarmousy, Aji Maher Ali, at Hassan Ali Al Maousoye.
Anim na miyembro ng grupo ang nakaalis na patungo sa East Asia mula sa Turkey sakay ng dalawang flights at maaaring patungo sa Southeast Asia posible sa Malaysia, Indonesia o sa Pilipinas.
Dahil dito, pinalalakas ngayon ng NCRPO ang counter intelligence monitoring laban sa mga terror groups at palakasin ang security measures upang masawata ang naturang ulat ng pag-atake.
- Latest