^

Bansa

Bilang ng naputukan bumaba - DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 384 ang bilang ng mga naputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon, mas mababa ng 53 percent kumpara noong nakaraang taon.

Sinabi ni Department of Health (DOH) spokesman Lyndon Lee Suy, ang naitalang kaso ng mga biktima ng paputok sa pagsalubong sa 2016 ay mas mababa rin ng 506 na kaso o 57 percent sa average ng nakalipas na limang taon.

Sa 384 cases na na­itala, 380 sa mga ito ay pawang biktima ng paputok habang apat ang tinamaan ng stray bullet o ligaw na bala.

Pinakamarami pa rin sa mga biktima ng papu­tok ay sanhi ng piccolo na umaabot sa 219 kaso.

Nasa 9 percent naman ang biktima ng kwitis, 4 percent sa five-star at 4 percent din sa lusis.

Pinakamarami sa mga biktima ng paputok ay mula sa National Capital Region (NCR) na umaabot sa 243 cases o 63 percent habang 8% sa Region 5 at 7% sa Region IV-A.

Mula naman sa 243 kaso sa NCR, 73 kaso o 30% nito ay mula sa Maynila habang 19% mula sa Quezon City at 12% mula naman sa Marikina.

Nasa 14-anyos pababa ang karamihang biktima ng paputok.

Nagagalak namang inanunsyo ni Health Secretary Janette Garin na ngayong taon, walang biktima na nakalunok ng paputok bagama’t may isang patay na naitala ang DoH dahil sa firecracker injury.

Binawian ng buhay ang isang lasing na lalaki sa Pasay na nawasak ang panga nang yakapin ang paputok na “Goodbye Philippines” matapos niya itong sindihan.

Siyam naman sa mga biktima ang sumailalim sa amputation o naputulan ng mga daliri at paa dahil sa firecrackers.

Kabilang na rito ang siyam na taong gulang na batang lalaki mula sa Nueva Vizcaya na naputulan ng tatlong daliri matapos na sa kaniyang kamay sumabog ang sinindihang kwitis.

Muling nagpaalala ang DoH lalo na sa mga kabataan na huwag mamulot ng mga hindi sumabog na paputok lalo na iyong nabasa ng ulan dahil mas malaki ang posibilidad na ito ay sumabog sa kanilang mga kamay.

Determinado naman si Garin na isulong ang total firecracker ban sa bansa lalo na ang piccolo.

Ayon sa kalihim, kung walang piccolo, mas mababa sana ang mga biktima ng paputok tuwing pagsalubong sa bagong taon.

Nangangahulugan lang ito ayon sa DoH chief na hindi mahigpit ang inspeksyon ng mga otoridad at may nagpupuslit ng piccolo sa bansa kahit na ito ay ban.

Bagama’t mahirap, pipilitin daw ng DoH na maipatupad ang total firecracker ban sa mga susunod na taon.

Ayon sa ahensiya, kahit bumababa ang naitatalang kaso, hindi pa rin ito nawawala.

Target ng DOH ang zero casualty sa paputok tuwing Pasko at pagsalubong sa New Year sa mga susunod na taon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

BIKTIMA

DEPARTMENT OF HEALTH

GOODBYE PHILIPPINES

HEALTH SECRETARY JANETTE GARIN

LYNDON LEE SUY

MGA

PAPUTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with