Probe sa bloody rally inutos ng Palasyo
MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na magkakaroon ng isang “impartial investigation” sa nangyaring madugong pagbuwag sa barikada ng mga magsasaka na nagresulta ng pagkamatay at pagkasugat ng mga nagsasagawa ng protesta.
Ayon kay Undersecretary Manuel Quezon III ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office, walang dahilan para mamatay ang sinuman sa paghingi ng tulong mula sa gobyerno.
Hindi rin aniya dapat magamit ang nangyaring trahedya sa pagpapalabas ng mga maiinit na pahayag at agarang paghuhusga dahil hindi ito makakatulong kaninuman.
Ipinunto rin ni Quezon na kapwa maraming sugatan sa magkabilang panig at marapat lamang na malaman ang totoong nangyari.
“There’s a tremendous number of wounded people on both sides. Lives have been lost and we owe it to ourselves as a society and to the farmers themselves and people in the affected areas to find out what exactly happened and why it did lead to this,” ani Quezon.
Nagbabala rin si Quezon sa posibleng paggamit ng trahedya ng ilan na hindi naman umano makakatulong sa mga nasaktan at namatay.
- Latest