^

Bansa

Comelec ethics body isinusulong

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista na isusulong niya ang pagbuo ng Ethics Committee sa Comelec.

Ang pahayag ni Bautista ay kasunod ng kanyang paglagda sa Resolution No. 100-39 ng Comelec na nag-aapruba sa kumentong inihain ni Commissioner Rowena Guanzon kaugnay ng kaso ni Senador Grace Poe.

Sa kanyang marginal note sa resolution, sinabi ni Bautista na kailangan pa nilang talakayin sa en banc ang patakaran sa paghahain ng mga pleading sa Korte Suprema.

Matatandaan na nagkagirian sina Bautista at Guanzon nang isumite ni Guanzon sa Korte Suprema ang kanyang kumento na ayon kay Bautista ay kwestiyonable dahil wala naman itong authority ng buong en banc.

Samantala, nagpaha­yag din ng ibang pananaw si Commissioner Christian Robert Lim.

Nakasaad sa resolus­yon na naniniwala si Lim na ang Comelec ay isa lamang nominal party sa kaso at dapat umanong isuko ng poll body ang paghahain ng kumento at paglahok sa oral arguments.

Salungat naman ang pananaw dito ni Commissioner Arthur Lim na nagsasabing ang Comelec ang principal party sa kaso dahil ang kanilang desisyon ang kinukwestiyon mismo ni Poe  sa ilalim ng Rule 65 ng Rules of Court o panuntunan sa paghahain ng petition for certiorari.

ACIRC

ANG

BAUTISTA

COMELEC

COMMISSIONER ARTHUR LIM

COMMISSIONER CHRISTIAN ROBERT LIM

COMMISSIONER ROWENA GUANZON

ELECTIONS CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

ETHICS COMMITTEE

GUANZON

KORTE SUPREMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->