^

Bansa

Drilon sa hatol kay Acosta: Walang selective justice sa administrasyong Aquino

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinatunayan ng hatol ng Sandiganbayan kay Liberal Party member at Laguna Lake Development Authority General Manager Nereus “Neric” Acosta na walang pinoprotektahan ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III, ayon kay Senate President Franklin Drilon ngayong Martes.

Sinabi ni Drilon na lahat ng may sala, kapartido man o hindi, ay mananagot katulad ng nangyari kay Acosta at sa ina nitong si Soccoro na dating alkalde ng Manolo Fortich sa Bukidnon.

“Ipinapakita lang po sa hatol na ito na walang katotohanan ang mga paratang na may selective justice sa paglaban sa korapsyon sa administrasyon ni Pangulong Noynoy,” pahayag ng senate president.

BASAHIN: 10-taon hatol sa mag-inang Acosta sa pork barrel anomaly

“Malinaw po na umiral ang batas dito sa kasong ito ni Secretary Acosta, at lubos na nirerespeto natin ang naging hatol ng Sandiganbayan. 'Yaan po ang tinatawag nating rule of law, susundin natin,” dagdag niya.

Hinatulan ng isang count ng graft si Acosta at dalawang counts naman ng graft din si Soccorro dahil sa umano’y maanomalyang paggamit sa kanilang Priority Development Assistance Fund.

Nahaharap si Acosta na dating kinatawan ng Bukidnon sa anim hanggang 10 taong pagkakakulong, kung saan hindi na siya maaaring humawak ng anumang pwesto sa gobyerno.

“Ipinapakita lang dito na ang importante, lahat tayo ay pantay-pantay sa ilalim ng batas, kapartido man o hindi,” wika ni Drilon.

“Uulitin ko lang, nagpapatunay ito na walang katotohanan ang mga paratang na may selective justice sa paglaban sa korapsyon sa kasalukuyang administrasyon.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with