^

Bansa

Kabataan, hinimok sumali sa Intl Letter-Writing contest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-anyaya ang Philippine Postal Corp. (PHLPost) sa mga kabataang 15 anyos pababa na sumali sa 45th Universal Postal Union (UPU) International Letter Writing Competition for Young People upang magkaroon ng pagkakataon na katawanin ang Pilipinas sa gaganaping worldwide letter writing contest na lalahukan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang bansa na miyembro ng UPU, isang specialized agency ng United Nations sa Berne, Switzerland.

Katuwang ng PHLPost ang Department of Education (DepEd) sa patimpalak. Ang lahat ng entry ay dapat ihulog sa post office via express o registered mail bago ang March 11, 2016.

Ang magwawagi sa International competition ay makakatanggap ng gold medal at certificate, at iba pang premyo mula sa UPU. Ang gold medalist ay may pagkakataon na makabiyahe nang libre papunta sa UPU headquarters sa Berne, Switzerland upang personal na tanggapin ang award.

Ang tema ng patimpalak ngayong taon ay “Write a letter to your 45 year old self.”

Ang mga lahok sa national level competition ay dapat orihinal—nasa porma ng sulat ayon sa tema ng kumpetisyon at nakasulat sa Ingles, may kumpletong elemento ng sulat tulad ng lugar at petsa, kumpletong pangalan at address ng nagpadala at pinadalhan, opening at closing salutation at may lagda ng nagpadala. Ang sulat ay dapat hindi lalabis sa 1,000 words ang haba.

Dapat ding ilagay sa isang papel ang number of words ng sulat, name and address, gender ng nagpadala, age at date of birth, picture (2x2), name/address ng school, grade/year level at contact number (landline at mobile).

Para sa detalye at katanungan, tawagan si Arlene Tiquia Labao, project officer ng Post Shop, Philately and Museum Division sa 5270108 o 527-0132, Bisitahin ang www.phlpost.gov.ph., Facebook account @PHLpost, Twitter account @Ppostofficial at Instagram account @phlpostofficial.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with