^

Bansa

Forever Mar kami - Olivarez

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Hindi kami lilipat sa ibang partido at forever ka­ming loyal sa kandidatura ni Secretary Mar Roxas sa pagka-presidente sa darating na halalan.”

Ito ang madiing pahayag ni Mayor Edwin Olivarez kahapon matapos sorpresahin silang “bisitahin” ni Vice Pres. Jojo Binay sa city hall noong Lunes ng hapon.

Si Binay ay isinama ni kasalukuyang 2nd District Rep. Gustavo Tambunting na isang reelectionist sa ilalim ng UNA.

Paliwanag ni Olivarez, siya at si incumbent Vice Mayor Rico Golez at lahat ng kasama nilang tumatakbo sa pagka-konsehal sa District 1 at 2 ay ie-endorso si Roxas sa darating na halalan bilang pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Olivarez, hindi niya pwedeng iwanan si Roxas dahil matagal na siyang card-bearer ng LP kasama ng kanyang ama na si dating Parañaque Mayor Pablo Olivarez at kanyang kapatid na si incumbent 1st District Rep. Eric Olivarez.

Dagdag pa ni Olivarez, hindi nila pwedeng pigilin o harangin ang sino mang kandidato mapa-admi­nistrasyon o oposisyon na gustong dumalaw sa mga barangay ng lungsod o sa city hall kung ang mga ito ay hindi nakaka-istorbo sa trabaho.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with