^

Bansa

‘TESDAMan’ pilit winawasak

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan nang siraan si senatorial candidate Joel “TESDAMan” Villanueva dahil sa tumataas na ratings nito sa mga surveys.

May ilang sector na pilit sinisira si Villanueva na nasa winning circle sa isinagawang surveys ng Pulse Asia.

Aniya, mayroong nagsimulang kwestyunin ang pondo niya sa kampanya kung saan ay nais palitawin na ginagamit nito ang pondo ng Tesda sa panga­ngampanya.

Nilinaw ni Villanuea sa interview nito sa Headstart ANC, walang pondo na mula sa Tesda ang kanyang ginamit para sa kanyang kampanya.

Wika pa ng senatorial candidate, ginamit niya ang TESDA Man para sa kanyang kampanya pero walang pondo na nagmula sa ahensiya dahil wala daw pondo ang TESDA para sa mismong promos­yon ng mga programs nito.

Idinagdag pa ni Villanueva, ang kanyang plataporma ay TESDA—Trabaho, Edukasyon, Serbisyo, Dignidad at Asenso.

Inamin din nito na naiilang siya sa ilang kasama niya sa Liberal Party (LP) kung saan ay mayroong pilit siyang inilalaglag sa ticket.

Bukod sa pagiging kandidato ng LP personal na inendorso din ito ni Manila Mayor Erap Estrada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with