^

Bansa

Korona nabawi ng Pinas matapos ang 42-taon: Pia wagi sa Miss Universe

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang masayang Pasko ang ipagdiriwang ng sambayanang Filipino matapos masungkit ng pambato ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach ang korona ng Miss Universe 2015 kahapon.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ikinararangal ng buong bansang Pilipinas ang tagumpay ni Wurtzbach bilang ika-64 na Miss Universe.

Ayon kay Sec. Coloma, si Wurtzbach ay sagisag ng katalinuhan at kahusayan ng mga Filipino na kinikilala rin sa maraming larangan sa buong mundo.

“The triumph of Miss Pia Wurtzbach in the Miss Universe pageant is an honor that is shared by the entire Filipino nation. She is the embodiment of the Filipinos’ intelligence, talent and skill that has also gained recognition in many fields of endeavor by the global community. Her victory is a most welcome Christmas present to a grateful and hopeful nation,” wika ni Coloma.

Tatlong beses sumali sa Binibining Pilipinas si Pia noong 2013 at 2014 bago nakuha ang korona kahapon.

Tinalo ni Pia ang 79 na iba pang kandidata mula sa ibat-ibang bansa.

Naging emosyonal ang pagkapanalo ni Pia, makaraang mauna nang ihayag ng host na si Steve Harvey na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang nagwaging Miss Universe.

Naipatong na ang korona kay Miss Colombia nang bumalik sa entablado ang host na si Harvey at itinama ang naunang anunsyo, kasabay nang pagsasabing ang Pilipinas ang nagwaging Miss Universe at  pagpapakita nito sa result card.

Humingi ito nang paumanhin sa pagkakamali.

Pagkatapos nito ay binawi kay Miss Colombia ang korona at ipinatong sa ulo ni Pia.

Dahil dito nabawi ng Pilipinas ang korona ng Miss Universe matapos ang 42-taon na pinagwagian noon ni Ms. Margie Moran-Floirendo.

vuukle comment

ANG

BINIBINING PILIPINAS

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

MISS

MISS COLOMBIA

MISS COLOMBIA ARIADNA GUTIERREZ

MISS PIA WURTZBACH

MISS UNIVERSE

MS. MARGIE MORAN-FLOIRENDO

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with