^

Bansa

Radar inilagay ng China sa Spratlys!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bukod sa airfield o paliparan na itinayo sa artipisyal na isla ng China sa pinag-aagawang isla sa Spratlys, naglagay pa ang Beijing ng kanilang bagong radar facilities sa lugar.

Sa kuhang mga imahe ng satellite ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), lumalabas na isang radar tower ang naitayo sa mga reef ng Gaven, Hughes, Johnson South at Cuarteron sa Spartly Group of Islands.

Sa ulat, matapos ang paglalagay ng mga runways at air defense system sa lugar ng China, itinayo ang mga radar facilities sa Spratlys upang mamonitor ang lahat ng dumadaan sa lugar na layuning makuha ang buong control sa buong South China Sea.

Nabatid na ang kons­truksyon sa Cuarteron o Calderon Reef na sakop ng teritoryo ng Pilipinas sa Kalayaan, Palawan ay malapit nang matapos at may lawak na 211, 500 square meters. May dalawang tore ng radar ang umano’y inilagay na posibleng may mataas na frequency sa bahagi ng Cuarteron Reef habang ang 65 talampakang pole nito ay itinayo sa katimugang bahagi.

Makikita umano sa artipisyal na isla ang pagkakarga ng crane, helipad, lighthouse, solar array, gusali at radar tower.

Sa kabila ng sunud-sunod na inihaing diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China, patuloy ang pagkilos ng Beijing na palawakin ang kanilang kontrol sa itinayong artificial island sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with