^

Bansa

Danyos sa Martial Law victims apurahin – Guingona

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si Senador Teofisto TG Guigona III sa Human Rights Victims Claims  Board (HRVCB) na bili­san ang pagproseso sa kabayaran ng danyos sa libo-libong biktima ng karahasan sa panahon ng batas militar.

Ang panawagan ng Senador ay kasabay ng pagdiriwang ngayon ng ani­bersaryo ng Edsa People Power Revolution. Nakiisa si Guingona sa pag-alaala sa ipinamalas na kagiti­ngan ng mamamayan para makamit ang kalayaan noong 1986.

“Kontribusyon ko para sa mga nagsakripisyo at biktima ng batas militar ang pagtiyak ng buo at kasiya-siyang pagpapatupad ng Republic Act 10368 na nag-aatas na sila’y kilanlin at pagkalooban ng kabayaran sa danyos na kanilang dinanas noong panahon ng batas militar,” pahayag ni Guingona.

Ang Guingona Law, o ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 na isa sa mga “markadong” panukala ng senador na naisabatas, ay ang pagkilala ng estado sa buhay at sakripisyo ng mga biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao noong panahon ng Martial Law.

Sa bisa ng nasabing batas ay opisyal na pinasimulan ng gobyerno ang pagproseso at pagbayad sa tinawag na reparation claims ng mga biktima o kamag-anak ng mga ito, at ang halagang matatanggap ay tugma sa bigat ng karahasan na kanilang dinanas.

Noong Mayo 30, 2015 kabuuang 75,730 biktima, o kamag-anak nila ang nagfile ng reparation claims sa HRVCB, pero mahigit 11,071 lamang ang natapos maproseso at naaprubahan ng Board na kwalipikado sa danyos.

Sinabi ni Guingona na kailangang madaliin ng claims board ang lahat ng mga papeles at dokumento ng mga aplikante para sa danyos bago ang Mayo 12, 2016.

Gayunman, nilinaw din ng senador na sakaling hindi matapos ng HRVCB ang kanilang trabaho pagdating ng Mayo 12 ay may nakasalang na ang dalawang kapulungan ng Kongreso na aprubadong panukala sa ikatlo at hu­ling pagbasa na mabibigay pa ng karagdagang dalawang taon para palawigin ang gawain ng claims board.

Sampung bilyong piso ang inaasahang paghahati-hatian ng lahat na 75,730 biktima ng batas militar sakaling silang lahat ay mapatunayang karapat-dapat sa reparation pay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with