^

Bansa

Pabahay sa sundalo, pulis parang ‘bahay kalapati’

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mistulang “bahay kalapati”ang mga ipinapatayong pabahay ng gobyerno para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Ganito isinalarawan nina Magdalo partylist Reps. Gary Alejano at Ashley Acedillo, ang mga pabahay ng gobyerno para sa sundalo at pulis.

Dahil dito kaya hiniling nina Alejano at Acedillo sa Kamara na imbestigahan ang umano’y substandard na housing units na programa ng National Housing Autho­rity  (NHA) para sa AFP at PNP, partikular na ang mga itinayo sa Baras, Rizal at Manolo Fortich, Bukidnon.

Sa ginawang aktwal na inspeksyon, bukod sa walang tubig at kuryente, ang pundasyon at dingding ng mga bahay ay hindi kumpletong sementado.

Bukod ditto substandard din umano ang construction ng septic tank at walang access sa mga social services tulad ng mga ospital at paaralan.

Giit ng mga kongresista, hindi makatao ang kondis­yon ng pabahay para sa mga sundalo at pulis na nagsakripisyo at nagbubuwis ng kanilang buhay para sa bayan kaya dapat itong imbestigahan ng Kamara.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with