2 tonelada pa ng campaign materials itinurn over sa simbahan, NGOs
MANILA, Philippines - Halos dalawang toneladang binaklas na campaign materials tulad ng mga tarpaulins ang itinurn-over ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa simbahan at non-governmental organizations (NGOs) para ito mapakinabangan.
Ibinigay mismo ito ni MMDA Chairman Emerson Carlos kay Fr. Joemar Sibug, ng Dominican Missions of Santo Domingo Church.
Irere-cyle at gagawin umanong bag ng mga ito para ipamamahagi naman sa mga mahihirap na estudyante sa Babuyan islands.
Noong nakaraang linggo sa EcoWaste Coalition itinurn-over ng MMDA ang pitong toneladong campaign materials na una nilang nabaklas na kanila ring ire-recycle.
Ipinasya ng ahensiya na i-donate na lamang ang mga nabaklas nilang campaign materials upang pakinabangan sa halip na makadagdag pa ito sa itatapong basura.
- Latest