^

Bansa

Mahihirap nakakita ng pag-asa kina Duterte-Cayetano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos markahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang isa sa mga lungsod sa Metro Manila na may 100-porsyento na drug affectation rate ang Pasay City, binisita ang siyudad nina presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senate Majority leader Alan Peter Cayetano, na tumatakbo na may plataporma na naka-angkla sa anti-crime at anti-illegal drugs.

Nakinig ang tandem sa mga istorya at interes ng mga residente ng lungsod nitong Miyerkules bilang bahagi ng kanilang “Ronda-Serye” listening tour na ginanap sa Brgy. 188, Pasay City.

Ayon kay Cayetano, lubhang nakakalungkot at nakakabahala ang mga narinig nilang kuwento tungkol sa kahirapan at problema sa droga.

“Sobra na ang hirap at gulo sa buhay nila. Si aling Cynthia, 59, ang anak niya at asawa nito ay mga drug addict mula bata. Hindi nakapagtapos, may 7 anak, natanggal sa trabaho dahil sa bisyo. Minsan, part-time drug courier pa para makalibre ng shabu. Ang mga anak napabayaan. Walang makain. Walang pambayad sa renta ng bahay,” ani Cayetano.

Narinig din nila ang kuwento ng ilang kababaihan kung paano sinira ng droga sa kanilang lugar ang kanilang pamilya.

Nangako si Duterte ng 24/7 na giyera kontra krimen at illegal drug trafficking sa pamamagitan ng pagbuo ng “best and brightest” na militar at pulisya. Parte ng istratehiyang ito ang dagdag sahod at benepisyo sa mga alagad ng batas at pagbibigay ng parusa sa mga “bulok na pulis at abusadong sundalo.”

Matatandaan na sa unang presidential debate na ginanap sa Caga­yan De Oro, nagbigay ng deadline si Duterte ng 3-6 na buwan para matiyak na agad na maramdaman ang epekto ng kanyang kampanya laban sa krimen at droga.

“This is an imposed restriction from me, hindi ako nagpapabilib sa inyo,” sinabi ni Duterte.

Nangako rin ang duo na magtatayo sila ng “bangko para sa mahihirap” para makapagbigay ng kapital at alternatibong kabuhayan para matigil na ang paggawa ng mga iligal na gawain na kinabubuhay ng ilan.

Ayon kay Cayetano ang kanilang plataporma ay magagawa lamang na mga lider na may matapang na solusyon, mabilis na aksyon, tapang at tibay ng loob para tapusin ang gulo at kahirapan sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with