^

Bansa

Leni: One-strike policy sa pulis vs droga

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - One strike and you’re out.

Ito ang nais ni Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Rob­redo sa mga opisyal ng kapulisan na mabibigong burahin ang droga sa kanilang nasasaklawan.

“Ang suggestion ko riyan, one-strike policy. Pag ang lugar mo may illegal drugs, tatanggalin ka talaga, hindi lang ire-re-assign kung saan,” wika ni Robredo sa isang radio interview sa Dipolog City.

Ang panukala’y bahagi ng hakbang ni Robredo para masugpo ang ilegal na droga, na tinawag niyang malaking banta laban sa pamilya at lipunan na dapat mabura sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Robredo, magiging epektibo ang laban sa ilegal na droga kung magsasanib puwer­sa ang national at local government para ito’y burahin.

Paliwanag ni Robredo, dahil hindi naipapatupad ang batas, lalong lumala­kas ang loob ng drug lords na ipagpatuloy ang illegal na gawain, kahit mismong sa loob pa ng bilangguan kasabwat ang tiwaling jail officials.

Malaking papel naman ang gagampanan ng local government para pigilan ang pagkalat ng droga sa pamamagitan ng pinatin­ding pagbabantay sa mga barangay.

Sa kanyang distrito sa Camarines Sur, binuhay ni Robredo ang Barangay Anti-Drug Abuse Council at hiningi ang tulong ng mga magulang, kabataan at iba’t ibang sector para labanan ang illegal na droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with