^

Bansa

Duterte napaiyak sa puntod ng magulang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ilang oras matapos ang partial, unofficial election results na nagpapakita na leading pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagka-pangulo, binisita ng alkalde ang puntod ng kanyang mga magulang sa lungsod.

Alas-3:00 madaling araw, nagtungo ang alkalde sa puntod ng inang si Soledad at napahagulgol habang hinihingi ang tulong nito para sa bayan.

Una na ring pumunta si Duterte sa simbahan ng Kingdom of Jesus Christ at nakipagsalo-salo kasama ang kaibigang si Pastor Apollo Quibuloy, at humingi ng panalangin para sa halalan.

Nang tanungin naman si Mayor Duterte kung ano ang nais sa kanyang itawag kapag naluklok na ito sa Malacañang, ang tugon ng alkalde ay “President Rody”.

Ito raw kasi ang ibinigay na palayaw sa kanya ng yumaong ina.

Mula sa pagiging reluctant candidate ay ito ang naging bukambibig ng bawat botante bago pa man sumapit ang May 9 elections lalo ng dumugin ang kanyang miting de avance sa Quirino grandstand noong Mayo 7 ng gabi.

 “I am a great believer in destiny. If I win, you have my guarantee that I will work for the people. What is important is that the votes are counted correctly,” dagdag pa ni Duterte sa panayam kamakalawa ng gabi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with