^

Bansa

Sarangani gov. kinasuhan sa Ombudsman

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong katiwalian sa Ombudsman ang reelectionist governor ng Sarangani dahil umano sa mga anomalya sa kanyang pamumuno.

Mga kasong Malversation of Public Funds  sa ilalim ng Articles 217 at Failure to Liquidate Cash Advance sa ilalim ng Article 218 ng Revised Penal Code ang inihain ng Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE) laban kay Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon.

Sa reklamong inihain ni FATE President Jennifer Castro, inisa-isa ang mga kwestyonableng transaksyon sa pamunuan ni Solon. Una na rito, ang pagbili ng lalawigan ng halos P1 milyong bagong makina ng bulldozer na bagamat idinaan sa bidding ay nabalot pa rin ng katiwalian.

Ito ay makaraang matuklasan na sa halip na bago ay pininturahan lamang ang lumang makina ng bulldozer at ito pa rin ang idiniliber sa kapitolyo.

Kinuwestyon din ng grupo ang procurement ng P12 milyon na payloader na ang deklarasyon ay bago subalit natuklasan ding refurbished. Kasama rin sa reklamo ng grupo ang hindi pa rin natatapos na konstruksyon ng Sarangani Provincial Hospital na halos anim na taon nang ginagawa. Ito ay kahit naglaan na ng pondo sa konstruksyon si Cong. Manny Pacquiao, bukod pa sa allotment ng Department of Health na P200 milyon at P33 milyon naman mula sa kaban ng lalawigan.

Hindi rin nakaligtas sa grupo ang kwestyonableng allotment ng lalawigan na P20 milyon para sa fuel expenses gayung ang mga residente nito ay hinihingan muna ng P1500 kung kailangang gamitin ang ambulansya para magsugod ng may karamdaman sa pagamutan.

Kasama rin sa reklamo ng FATE ang findings ng Commission on Audit hinggil sa unliquidated cash advances noong 2014 na umaabot sa P100 milyon. Bukod dito, idinadawit din ang gobernador sa paggamit ng pork barrel at disbursement acceleration program kung saan naglaan ang lalawigan ng halos P185 milyon para sa lumpsum noong 2014 na maaaring maging pork barrel at dap. “Sa sangka­terbang katiwaliang kinasasangkutan ng gobernador ng lalawigan ay hindi nakapagtatakang mula #16 ay naging #3 poorest province ang Sarangani sa kabila ng yamang tinataglay nito,”pahayag ni Castro.

“Nakakaawa ang mamamayan ng Sarangani na katulad na rin ng mga magsasaka sa Kidapawan ay nakikiusap araw-araw sa kanilang gobyerno na bigyan sila ng pansin at resolbahin ang kahirapan gayung mayaman naman pala ang lalawigan kung nagagamit lamang sa tama ang pondo,” dagdag pa ni Castro.  Bunsod nito, nanawagan ang FATE sa Ombudsman na aksyunan sa lalong madaling panahon ang kanilang kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with