^

Bansa

Bongbong kinasuhan ang Smartmatic, Comelec

Frannie Jacinto - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inireklamo ng kampo ni vice presidential candidate at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Martes ang apat na kawani ng Smartmatic at tatlo pa na taga Commission on Elections dahil sa umano’y unauthorized na pagbabago sa script ng transparency server.

Naghain si Marcos sa pamamagitan ng kaniyang abogadong si Jose Amor Amorado ng kasong paglabag sa Section 4, Chapter II ng Republic Act 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act of 2010” sa Manila Prosecutor’s Office.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Smartmatic Project Manager Marlon Garcia, General Manager Elie Moreno, Project Director Neil Banigued, at Rouie Peñalba, IT Officer ng Comelec.

Sinabi ni Amorado na may sapat silang ebidensya upang patunayan na may pagkakasala ang Smartmatic at ang Information Technology department ng Comelec.

Sa kaniyang privilege speech kahapon ni Marcos sa Senado ay iginiit niya ang kaduda-dudang paggalaw ng mga boto matapos palitang ang codes bandang alas-7 ng gabi noong Mayo 9.

Nanawagan ang senador para sa isang system audit sa mga server ng Comelec.

Iginiit ng poll body na hindi nakaapekto sa resulta ng eleksyon ang ginawa ng Smartmatic.

Pinaiimbestigahan na rin nila ang tech provider at inaalam kung anu-ano ang kanilang pwedeng isampang kaso.

 

vuukle comment

OUTSTANDING WOMEN IN NATION’S SERVICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with