^

Bansa

Sa pagsali sa Olympic mga atletang Pinoy pipigilin ng DOH

Mayen Jaymalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaaring harangin ng Department of Health ang paglahok ng mga atletang Pilipino sa 2016 Summer Olympic Games sa Brazil dahil sa epidemya ng Zika virus sa naturang bansa.

Sinabi ni DOH spokesman Lyndon Lee Suy na maglalabas ang kanilang tanggapan ng rekomendasyon kung dapat bang payagan o hindi ang mga atletang Pilipino na lumahok sa Olympic bago ito magsimula sa Agosto.

“Kapag mataas pa rin ang mga kaso (ng Zika), maaaring bawalan natin silang pumunta roon. Pero, kung kontrolado na iyon, bakit natin sila pipigilang pumunta roon?” sabi pa niya.

Idiniin ni Luy na kailangang tasahing mabuti ng DOH ang sitwasyon sa Brazil bago magsagawa ng rekomendasyon.

“Gusto muna naming makita ang sitwasyon sa Hulyo bago magrekomenda. Sa oras na yon, makakapagpalabas na kami ng advisory,” dagdag niya.

Pinapayuhan naman ni Luy ang mga atletang Pilipino na tutukan lang ang kanilang mga pagsasanay at huwag isipin ang banta ng Zika virus sa Brazil.

“Nais naming matutukan ng mga atleta natin ang kanilang paghahanda. Ayaw namin silang mabahala at mawala ang konsentrasyon sa pagsasanay,” sabi pa niya.

Libu-libong atleta ang magtitipon sa Rio de Janeiro para sa 2016 Olympics. Inaasahang magpapadala rito ng 15 atleta ang Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with