^

Bansa

Recto: Pagdurog sa Sayyaf, ‘Artikulo Uno’ ng bagong pangulo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung may unang kautusan na dapat ipalabas ang susunod na Pangulo, ito ay ang pagdurog sa bandidong Abu Sayyaf.

Ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, kailangang ilagay ang Abu Sayyaf sa unahan ng listahan ng mga kriminal na dapat sugpuin sinuman ang manalong Pangulo sa eleksyon ngayong Mayo.

“Wala nang oras para magpahinga ang susunod na Pangulo. Sa unang araw pa lamang ng pag-upo niya sa Malakanyang, kailangan nang ipalabas ang kanyang mga kautusan laban sa kriminalidad,” ani Recto.

“At kung may Artikulo Uno sa mga kautusan ng susunod na Pangulo, ito ay ang pagsugpo sa problemang dala ng Abu Sayyaf,” diin pa ng senador.

Reaksiyon ito ni Recto sa balita na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf ang bihag nitong Canadian na si John Ridsdel matapos hindi matugunan ang hininging ransom ng mga bandido.

Sinabi ni Recto na walang saysay ang anumang kampanya ng bagong administrasyon kontra sa krimen kung hindi matitigil ang pagdukot at pagpatay ng Abu sa Mindanao.

“Hindi na n’ya kailangang maghanap pa ng sindikatong sasampolan. Matagal nang nagpiprisinta ang mga Abu Sadong ito,” ani Recto.

“Hindi lamang ito problema ng Mindanao o ng Pilipinas. Problema na rin ito ng buong rehiyon natin sa Asya at maging ng ilang bansa na nahaharap sa banta ng terorismo,” paliwanag pa ni Recto.

Sinabi ni Recto na hindi lamang buhay ng mga Pilipino at turista ang kinikitil ng Abu kundi maging ang ekonomiya ng bansa at kabuhayan ng ordinaryong mamamayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with