Mall voting iligal daw
MANILA, Philippines – Deretsahang sinabi ni dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal na ilegal ang mall voting dahil malinaw aniyang nakasaad sa section 153 at 154 ng Omnibus Election Code na bawal ilipat ang lugar ng botohan 45 araw bago ang halalan maliban sa emergency cases, at dapat naabisuhan din ang mga political parties.
Bagamat may public consultation sa iba’t ibang sektor hinggil dito, wala namang resolusyong inilabas ang Comelec gayong 19 days na lang bago maghalalan.
Kapag mapatunayang ilegal, posibleng hindi maging balido ang boto ng mga bumoto sa mall.
Kinukwestyon pa ni Larrazabal ang memorandum ni Comelec Chairman Andy Bautista sa election officers hinggil sa pagpapatupad ng mall voting.
Mag-isa aniyang nakalagda si Bautista, katunayan na gumagalaw siyang mag-isa hinggil sa mall voting at hindi ang buong en banc.
- Latest