^

Bansa

Saku-sakong bigas na itinapon sa Leyte pinaiimbestigahan sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Sen. Bongbong Marcos ang napaulat na pagtatapon ng daan-daang sako ng bigas sa isang malalim na hukay na natagpuan sa isang malayong barangay sa bayan ng Dagami sa Leyte.

 Ayon sa mga ulat, may markang NFA (National Food Authority) ang mga sako ng bigas na natagpuan sa hukay pero meron ding mga plastic bag na may markang DSWD na nakuha sa parehong hukay.

“Kailangang maimbestigahan itong mabuti. Bagamat wala pang masyadong detalye hindi malayong kabilang ang mga bigas na ito sa mga relief goods para sa mga biktima ng super-typhoon Yolanda,” ani Marcos.

 Hinihintay na rin ng tanggapan ni Marcos ang ulat ng mga kaukulang ahensya at mga lokal na awtoridad at kung hindi  mabibigyan ng linaw ang insidente ay sisimulan umano niya sa Senado ang isang malalimang imbestigasyon.

 Kahina-hinala umano ang pagtatapon ng saku-sakong mga bigas dahil ayon sa NFA maaari pa ring gamiting pakain sa hayop ang mga bigas na hindi na pwedeng kainin ng tao.

 “Ang pagsasayang pa lang ng bigas ay masama na. Pero kung lalabas na relief goods ang mga ito ay higit itong nakakasuklam. Dapat may managot dito,” giit ni Marcos.

 Nauna ng binatikos ni Marcos ang kabagalan ng gobyerno sa rehabilitation ng mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda noong Nob. 8, 2013 sa kabila ng bilyun-bilyong pondong inilaan para rito at ng mga international donation.

  “Ayaw nilang magpaliwanag kahit na libu-libo pa sa ating mga kababayan ang patuloy na nakatira sa mga pinagtagpi-tagping barong-barong, kahit na marami sa kanila ang walang trabaho at maa­yos na pagkukunan ng kanilang kabuhayan,” ani Marcos.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYAW

AYON

BAGAMAT

BIGAS

BONGBONG MARCOS

MGA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NBSP

YOLANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with