Kuryente tataas
MANILA, Philippines - Inihayag ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na tataas ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Agosto. Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ang electricity hike ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng Wholesale Electricity Spot
Market (WESM) at iba pang suppliers at retailers ng kuryente. Gayunman, hindi pa matukoy ni Zaldarriaga kung magkano ang actual na itataas na singil sa kuryente dahil hinihintay pa ang bill o bayarin nila mula sa WESM at iba pa nilang supplier. Magugunita na ngayon buwan ng Hulyo ay tumaas sa 28 centavos per
kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente dahil sa production restriction ng Malampaya natural gas facility.
- Latest