^

Bansa

Nurse sa bawat public school giit

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang isang panukalang batas na nagtatalaga ng isang rehistradong nurse sa bawat isang pampublikong eskwelahan sa bansa.

Sa House Bill 6489 ni Vargas, iginiit nito na ang basic health service ang isa sa pinaka importante sa mga eskwelahan para masigurong laging nasa maayos ang kalusugan ng mga estudyante.

Nakasaad sa panukala, na inaatasan nito ang Department of Education (Deped) na mag-hire ng isang registered nurse sa bawat public school sa bansa.

Bukod umano sa makakatulong ito para mabigyang trabaho ang maraming registered nurse sa bansa ay tutugon din ito sa pagpapabuti ng health care service sa mga public school students.

Ang makukuhang nurse para sa public schools ay tatanggap ng buwang sweldo na nasa salary grade 15.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with