^

Bansa

Pagpapawalang-bisa sa bank secrecy law suportado ng AMLC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Upang mas mapadali ang kanilang imbestigasyon, nais ng pinuno ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na magkaroon ng absolute lifting sa bank secrecy.

Aminado si AMLC Executive Director Julia Bacay Abad na hindi ito magiging madali ngunit umaasa pa rin siya na mangyayari ito dahil makakatulong ito maging sa iba pang sangay ng gobyerno.

"Absolute (lifting) will be better," komento ni Abad sa Anti-Money Laundering Act of 2001 (AMLA) 101 briefing.

Aniya makatutulong ang absolute lifting sa bank secrecy sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Securities and Exchange Commission at iba’t ibang mga banko.

Iginiit naman ng AMCL na matagal na nilang isinusulong ang pagpapawalang-bisa sa bank secrecy law bago pa pumutok ang $81-million money laundering sa central bank ng Bangladesh.

Nais din ng AMLC na makasama sa saklaw ng AMLA ang mga casino, real estate brokers at agents.

Isinusulong din nila na mapalakas pa ang kapangyarihan ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga remittance companies.

Patuloy ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kung paano nakapasok sa bansa ang ninakaw na pera ng Bangladesh Central Bank sa kanilang account sa Federal Reserve sa Amerika.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with