^

Bansa

SC ruling kay Poe kinuwestyon uli

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuwestyon ng napatalsik na si Marinduque Rep. Regina Ongsiako-Reyes ang Supreme Court sa pagiging ‘double-standard’ umano nang siya ay idiskwalipika gayung si Sen. Grace Poe ay pinayagang tumakbo sa pagka-pangulo ngayong darating na halalan.

Hindi aniya maiwa­sang ikumpara ang magka-ibang desisyon sa magkatulad na kaso, kung saan pinaboran ang isang foundling o ampon na na-reacquire lamang ang Philippine citizenship habang siya ay nadisqualify at ‘di pinahintulutang tumakbo sa mas mababang posis­yon dahil sa dual citizenship kahit pa isa siyang natural-born Filipino na may tunay na magulang.

Kung pinayagan aniya si Poe na tumakbo, bakit siya ay idineklarang ineligible sa congresional seat kahit napatunayang natural-born citizen, may birth certificate at Filipino citizens ang ina at ama na pawang public servants.

Naunang nagbabala si Associate Justice Mariano del Castillo sa kaniyang dissenting opinion na ang kontrobersiyal na desis­yon sa kaso ni Poe ay magiging daan sa mga election protests dahil binaligtad nito ang naunang hatol sa ibang mga election cases.

Dalawang linggo ma­tapos desisyunan ang kaso ni Poe, si Reyes ang kauna-unahang nagprotesta sa SC at ginamit ang kontrobersiyal na desisyon para igiit ang kanyang kuwalipikasyon bilang kongresista sa lone district ng kanyang lalawigan.

Iginiit pa ni Reyes na dapat ibasura ang dalawang bagong election protest na isinampa laban sa kanya ni Lord Allan Jay Velasco sa Commission on Elections dahil idineklara ng Supreme Court sa kaso ni Poe na walang hurisdiksyon ang Comelec na pagpasyahan ang kuwalipikasyon ng isang presidente, bise presidente, senador at kongresista.

Sinabi pa ni Reyes na, tulad ni Poe, nagsagawa rin siya ng affidavit na nagtatakwil sa kanyang foreign citizenship noong September 21, 2012 at September 21, 2015. Ibinalik anya ng affidavit of renunciation na ito ang kanyang katayuan bilang isang natural-born Filipino citizen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with