^

Bansa

LRT, MRT biyahe na bukas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang apat na araw na tigil biyahe, lalarga na bukas (Lunes) ang Light Rail Transit (LRT) Line 1, Line 2 at Metro Rail Transit (MRT-3).

Sa advisory na ipinalabas ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nabatid na magbabalik na sa operasyon ang LRT-1, LRT-2 at MRT-3 dakong alas-4:30 ng madaling araw sa Marso 28.  

Ayon sa LRTA, ginugol nila ang apat na araw na bakasyon dahil sa holy week para isaayos ang ilang sira na kanilang nakita mula sa mga tren ng LRT at MRT, gayundin ang ilang sirang riles.

Layunin ng LRTA na walang magaganap na aberya sa pagbabalik sa biyahe ng LRT at MRT kaya sila nagsagawa ng maintenance work.

Huwebes Santo itinigil ng LRT at MRT ang kanilang biyahe bunsod ng mahal na araw.

Ang MRT-3 ay nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City at sa North Avenue sa Quezon City via Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Habang ang LRT-1 ay nag-uugnay sa Roosevelt Ave., Quezon City hanggang sa Baclaran, Parañaque.

Samantala ang LRT-2 ay bumibiyahe sa Recto Avenue sa Maynila hanggang sa Santolan, Pasig City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with