^

Bansa

Duterte walang balak mag martial law ‘pag nanalo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Hindi dapat mabahala ang publiko kapag nanalong pangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil aniya’y wala siyang balak magdeklara ng martial law.

Sinabi ni Duterte na dapat lamang ay sumunod sa batas ang lahat upang maging maayos ang bansa.

Dagdag niya na magiging malupit lamang siya sa mga kriminal at sa mga umaabuso sa kanilang mga kapangyarihan.

Napag-usapan ang martial law dahil sa ika-30 anibersaryo ngayon ng  EDSA People Power Revolution na naging susi sa pagpapatalsik sa pwesto kay dating pangulo Ferdinand Marcos.

Kilala si Duterte na matinik sa mga kriminal kung saan naisyu na rin siya dahil sa umano’y Davao death squad na pumapatay ng mga nanggugulo sa lungsod.

Nagbabala na rin ang alkalde na kung manalo siya bilang pangulo ay magiging madugo ang kaniyang pamumuno.

"If I become president, it would be bloody because we'll order the killing of all criminals.”

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with