Filtered by: Showbiz
Showbiz

Gabby Eigenmann, suportado ang relasyon ng kapatid na si Andi at Jake Ejercito


Hayagang sinabi ng "InstaDad" star na si Gabby Eigenmann ang pagboto niya kay Jake Ejercito para sa nakababatang kapatid na si Andi Eigenmann kasabay ng online forum na ginawa niya nitong Lunes sa social networking site na Twitter.
 
Pabirong nagtanong si Jake sa Twitter gamit ang #AskGabby bilang pagsabay sa nasabing online forum. Aniya, "Gud aftie! Good ka powz ba o bad? #AskGabby @gabbyeigenmann"
 
Agad naman itong sinagot ni Gabby at sinabing, "Good ako.. Team JANDI 5evah po ako."
 
"JAndi" ang tawag sa real-life couple na sina Jake at Andi noong magkarelasyon pa sila.

Matatandaang naghiwalay ang dalawa noong nakaraang taon kasabay ng pagkamatay ng ama nina Andi at Gabby na si Mark Gil.
 


 
Muling kinumpirma ni Gabby ang suporta niya para sa kapatid at kay Jake nang may isang fan na nagtanong kung nasa "Team JAndi" ba siya.
 

 
Noon pa lamang ay hindi na itinatanggi ni Gabby ang pagboto niya kay Jake para kay Andi, kahit na noong kakahiwalay pa lamang ng dalawa at lumabas rin ang isyu na ayaw ng pamilya ni Jake sa kaniyang kapatid.
 
Aniya sa mga naunang pahayag, "“Jake is a good man. I have so many good things to say about him. We respect him, he respects us especially his family.” -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News