Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Bagong inspirasyon ni Maegan Aguilar, kahawig daw ni John Lennon


Taliwas sa mga naunang naibalita, 56-anyos at hindi 61-anyos ang lalaking nagpapasaya ngayon kay Maegan Aguilar.

Sa episode ng Startalk nitong Sabado, May 23, sinabing malaki ang pasasalamat ni Maegan sa lalaking nagpapasaya sa kaniya ngayon sa harap ng mga pagsubok na kaniyang pinagdadaanan.

Mula kasi nang umalis siya sa poder ng amang si Freddie Aguilar at makipaghiwalay sa kaniyang dating ka-live in, mag-isang itinataguyod ni Maegan ang dalawa niyang anak.

Ayon kay Maegan, musikero ang naturang lalaki na kakilala rin ng kaniyang mga magulang.



"He's very charming, He's very funny and that important na yung kausap mo napapatawa ka...napapawi yung luha mo," ani Maegan. "Kahawig siya ni John Lenon, mahusay din siyang gitarisya, mahusay ding arranger."

Ang John Lenon na tinutukoy ni Maegan ay ang pumanaw na miyembro ng sikat na banda noon na The Beatles.

Dagdag pa ni Maegan, hindi pa nagpapakasal ang lalaki.

"He never got married. 'Yon nakakatakot din 'yon kasi his never been married so baka talagang bachelor for life di ba, 'di natin alam," natatawa niyang pagbahagi ng impormasyon.

Paglilinaw naman ni Maegan, hindi pa "sila" talaga ng lalaki. Sa halip, inilarawan niya ang kanilang relasyon na, "special friendship."

Samantala, dahil sa hirap ng buhay na pinagdadanan niya ngayon, naitanong kay Maegan kung may plano ba siyang humingi ng tulong o makipag-ayos na sa amang si Freedie.

Ayon kay Maegan, ayaw niyang makipag-ayos na hindi 100 percent.

"Tatay siguro tatawag mo ako sa inyo 'pag ready na ko...kasi hindi ko pa alam e kung paano," aniya. -- FRJ, GMA News