Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gutierrez: 'Zion is really our angel and he’s really the core of our relationship'





Marami ngayon ang nagtatanong kung may balak na bang magpakasal sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, lalo na lumalaki na ang kanilang panganay na si Zion, na dalawang taong gulang na ngayong taon.
 
Ayon kay Richard patungkol sa kasalang nakita sa teaser ng kanilang programa, Meron ngang magaganap na kasalan sa Season 3 ng It Takes Gutz to Be A Gutierrez, pero hindi ako yun.”
 
Paliwanag niya, “Si Elvis [Gutierrez, his elder brother] ang ikakasal. Sila muna ni Alexa, because Elvis proposed to Alexa. And they’re getting married first and, hopefully, malalaman na rin kung ano ang mga susunod na kabanata.”
 
Posible kayang sila na ni Sarah ang susunod na ikakasal pagkatapos nina Elvis at Alexa?
 
“Tingnan natin, by that time, malalaman niyo rin,” nakangiting sagot ni Richard.
 
ANOTHER BABY? Maayos din daw ang pagsasama nilang dalawa ni Sarah. Sabi ni Richard, “We’re okay, we’re very stable. After all the years, a lot of challenges we’ve been through, we’re communicating well right now."
 
“Our communication is good and, you know, Zion is really our angel and he’s really the core of our relationship.”
 
Nangiti naman si Richard nang tanungin kung wala pa silang plano ni Sarah na sundan si Zion.
 
“Well, maraming nagsasabi. Noong makasama namin si Manny Pacquiao sa L.A., sinuggest niya na sundan na raw namin si Zion dahil daw two years old na, para raw magkaroon ng kalaro.”
 
Siya ba, gusto na rin niyang bigyan ng kapatid si Zion?
 
“Ako, to be honest, enjoy ako na ini-enjoy lang namin si Zion ngayon. Pero kung may blessing na dumating na isa pang baby, I’ll be happy also."
 
“Pero tingnan muna natin, kailangan siguro to iron the formalities first.” -- For the full story, visit PEP.