Filtered By: Topstories
News

Ilang katutubo sa Palawan, nagsuka umano ng mga bulate


Dinala sa pagamutan ang may 50 katutubo mula sa Mount Mantalingahan sa Palawan matapos umanong magsuka ng mga bulate.

Sa ulat ng GMA News TV's QRT nitong Martes, sinabing nagpositibo ang mga katutubo sa intestinal parasitism.



Ayon kay Dr. Lovelyn Zotoza, pinuno ng rural health unit sa Brookes Point Palawan, na nasa 54 na ang mga katutubong apektado.

Sumasailalim sa deworming treatment ang mga biktima.

Agad ding nagsagawa ng emergency medical mission ang lokal na pamahalaan sa lugar.

Dagdag ni Zotoza, posibleng nagmula sa maruming tubig o pagkain ang mga itlog ng bulateng ascaris at mabilis na kumalat sa katawan ng mga katutubo. -- FRJ, GMA News

Tags: worm, deworming